Ok. Natapos ko na ring basahin ang apat na nobela ni Meyer. Yung Breadking Dawn, dalawang ulit kong binasa. Yung Twilight, isang beses lang pero, bumili na ako ng kopya. Itatabi ko ito sa helera ng mga Harry Potter ko, mga aklat nina Jonathan Stroud, Neil Gaiman, Terry Pratchet, Judy Blume, Cornelia Funke, JRR Tolkien, CS Lewis, Charles De Lint, Laura Gallego-Garcia, Isabel Allende at Markus Zusak (Pssst! Kapatid, kung di mo pa siya kilala o hindi pa nababasa ang mga nobela niya, i-click mo lang ang naka-highlight niyang pangalan. Hindi lang siya isang mahusay na nobelista ng mga bagets, gwapo din siya at 32 years old lang!) Yup. Tama ang iyong nabasa. Itatabi ko si Meyer sa mga mahuhusay na manunulat na banyaga ng panitikang pambata. Isinama ko na si Gaiman, Pratchet at De Lint dahil, mga pang young adults nilang aklat ang may kopya ako. Ang mga manunulat na nabangit ko ay mga idolo ko na. Forever akong magpapasalamt kay JK Rowling dahil malaki ang naging influence niya sa aking reading habits. Kina Allende, Blume,Lewis, Gallego-Garcia at lolo Tolkien naman ay paghanga dahil nakumbinsi nila akong muling maging romantic (Hindi ko na ieexplain. Kung friend kita, alam mo na ang ibig kong sabihin. Kung hindi mo ako ma-gets, ay, may dapat pa tayong pagsamahan! LOL) Elibs din ako kay Gaiman, Pratchet at De Lint dahil ibang klase ang kanilang sense of wonder. Naks! Kay Stroud naman at Funke, well, type ko ang kanilang pagiging grim. Sa mga nabangit kong manunulat, si Blume lang yata ang Amerikano at realist writer. Halos lahat sila ay nagsusulat at nagsulat ng "genre stories or novels". Well, pangalawa na si Meyes sunod ni Judy Blume.Yunnga lang, mixed ang kanyang genre!
May ibang dahilan ako kung bakit binigyang papuri ko si Meyer ng ganito. Let me explain.
Nung magkita kami ni Queena Lee-Chua sa school, PTC noon at halos lunch break na, yakap yakap ko ang kopya ng Eclipse. Nagulat siya ng malamang binabasa ko ang aklat.
Queena: Mrs. Gagatiga, you're reading that too!
Me: I joined the band wagon. And you?
Queena: Of course! For the fun of it!
Me: So what do you think?
Queena: .... (smiles)...(winks)...(smiles again)...
Me: Your silence speaks volumes!
At pareho kaming humalakhak ng tawa.
Yan! Yan ang dahilan kung bakit nakahelera na ang Twilight kila Harry Potter at Frodo Baggins. Biruin mo, pati si Queena Lee-Chua, binasa ang Twilight! Well, expect someone like her to read all sorts of literature. And if you're a wide reader, you know what I mean! Bwaahahaha! Masarap naman talagang magbasa. Period. Binasa ko ang Twilight, New Moon, Eclipse at Breaking Dawn sa loob ng dalawang lingo lang. Isang lingo pa para sa Breaking Dawn. Walang literary brilliance ang mga aklat na ito pero, patok sa box office ika nga. Mababaw, pero nakakaaliw. Kung entertainment value din lang naman, five stars na!
Tulad nga ng sabi ng mga girl friends ko, "Wag hanapin ang sustansya dahil wala naman talaga!" True. Reading the four novels was like consuming junk food. Think candy. Masarap. Matamis. Pero, asukal lang ang makukuha mo. No nourishment for the soul. No nutrients for the mind. At ang crafting...OMG! Nainspire akong sumulat ulit! Nainspire akong buhayin ang mga natutulog kong kwento at nobela sa Documents folder ng MacBook ko. Kung kaya ni Meyer, kaya ko din! Pastilan! Sa totoo lang, nakita ko na ang weakness ni Meyer sa Twilight pa lang. Ang hina ng character development. Mali ang choice ng point of view. Kulang sa world building. Walang kwenta ang action scenes. Pero, chick lit for young adults ang approach e. At matagal tagal na ring walang kakiligkilig na book character ang industriya ng YA. Fine, may hitsura naman si Harry Potter, pero isa siyang geek. I heart geeks! Pero iba pa rin si Edward Cullen. Hanep, napaglaruan ni Meyer ang pantasya ng isang milyong girlalang bagets at mga Mama Mia (me included).
Gah! Hindi ko na mabilang kung ilang beses nagforeplay at nag make-out si Bella at Edward mula Twilight hangang sa makasal sila sa Breaking Dawn. At talagang tukso itong si Meyer! Hindi niya ni-reveal ang honeymoon scenes. Bahala ka na lang magisip kung anong dahilan at napag-initan ni Edward ang mga unan at headboard. May theory ako e...shh. Next time na lang yan at para lang yun sa mga ka-close ko. So, kung makatanggap ka ng The Mystery In Isle Esme na post, ay, ibig sabihin you're one of my best friends! At syempre, ka-Team Edward kita!Hay, the long and short of it, tulad ng sinabi ko kay girl friend Mike nung tanungin niya ako kung make or break ang Breaking Dawn, sabi ko, "Break." Ang dami kong issues sa Breaking Dawn at kahit love ko si Edward, hindi niya nasalba ang nobela. Content is King. Crafting is Queen. Ay, ano ba yun?
Ang point ko e, mahina na nga sa content, sablay pa sa crafting. Loser. But it is a commercial success. At kahit mainis ako dito kakablog ng aking frustration sa apat na nobela ni Meyer, she will be a million bucks richer than me. Hay...baka kaya nakakaasar. Kase, sa pagbababsa na nga lang ako nakakakuha ng kayamanan, nagoyo pa ako ni Meyer. Life is never fair.
At dito nagtatapos ang aking Twilight fixation. Love ko pa rin ang mga Cullens, with or without Bella. I (still) heart Edward. At pipila ako sa sinehan to watch it.
Mike, may Edward Cullen T-shirt na tayo?

0 smelled the aroma:
Post a Comment